How does it feel not to be a blonde


My hair is black. My eyes are almond shaped, too black. My skin color is medium brown.

I like to read story books when I was a kid and Goldilocks fascinated me. Her hair is golden yellow and I wondered if real people have that hair color too. All our town folks have black hair like me but then I saw some ladies in the TV then I knew being blonde is also for real. I thought maybe, if I grow up my hair will also be like that.

Now I’m a grown-up but my hair is still black.

I saw many beautiful ladies. They are all like Goldilocks. Golden yellow hair, some are strait and some have soft curls. Some have green eyes, some gray, some blue. They have very long eyelashes too. And their skin sparkles when the sun shines on them.

Once I saw a blonde lady wearing a plain white t-shirt, a pair of shorts and flip flops. She looked very pretty. So I tried to wear the same outfit, but it didn’t look good on me. She looked sexy on that outfit but I looked like a boy.

At work I asked my boss once, “I worked with the company for 3 years and I was never given any promotion. But this blonde lady was just a Management Trainee for 6 months and a fresh graduate, why is she now a manager?”

Then my boss said “Because your skin is brown and your hair is black. So you have to work harder.”

Once I gave my boss a very clever idea for a project but he declined it. Then I asked a blonde colleague to propose my idea to the boss and he gladly accepted it and asked the team to start immediately.

I speak proper English and my grammar is correct but still they all laugh at me. They said they can’t understand me. They asked me “do you really speak English?”

I went to a restaurant and the receptionist asked me “Table for one?” She escorted me to a table and handed the menu. On the table across mine she escorted a blonde lady and while smiling she explained the menu and suggested the wine of the day. The waiter took her order before mine and he didn’t even offer me wine. I asked myself, “Am I overdressed? I came from work so I was wearing a suit. She was just wearing shirt, jeans and flip-flops so maybe next time I’ll do the same too.”

They provided her good service and I think a free dessert too. But they frowned when they saw her bill jacket without a single coin in it. I left a few dollars on the tip box but I didn’t even get a “thank you”.

Then came a new boss, a blonde lady. She asked me to do this and do that and she goes out for a smoke maybe 10 times a day.

I worked for it; she presented it to the board. Then I realized after few months, she is leaving because she got promoted and will be soon transferred to the head office.

I asked myself, maybe I need to be blonde too? So I tried.

I went to the salon and I said I want the color of Goldilocks’ hair. The Chinese hairdresser laughed at me but she said “Ok, let’s color your hair like Goldilocks’.”

I waited for 4 hours inside the salon and I was very excited to become blonde. The Chinese lady rinsed my hair and dried it.

When I looked at the mirror, I didn’t look like Goldilocks.

2 Sides


2 sides/9gag.com

2 sides/9gag.com

Sabi nila, there’s two sides to every girl. Ako more than 2 yata.

Sa likod ng pormal na damit at postura ay may damdaming nagpupumiglas, umaawit, tumutula.

Minsan Maria Clara ang suot, minsan parang nakapamalengke lang.
Minsan naman akala mo rakstar na ligaw.
Minsan nagmamaganda, minsan feeling action star.

Ganon pa man, ako ay si ako. Marami mang bersyon, nagiisa lang ako.

Salamat, Nante.


Dahil sa kung ano anong page ang nililike ko sa facebook, nakita kita ng di inaasahan. Nung una nag-aalinlangan ako. Iniisip ko kung ikaw nga ba yan? Pero tandang tanda ko yung nunal mo sa may pagitan ng ilong at labi, gawing kanan. At ganung ganun pa rin ikaw manamit. Naka sombrero, malaking tshirt at maluwag na shorts. Hindi ko naman masyadong inungkat profile mo ano?

Payat ka noon, sobra. Dun siguro ako nagkaroon ng alinlangan kung ikaw nga ba talaga yan o hindi. Medyo malusog ka na kasi sa mga larawang nakita ko sa facebook eh.

Pero ikaw nga yan.

Tandang tanda ko. Dumaan kayo sa campus namin para mang-akay ng mga estudyante papuntang Mendiola. Kung ano man yung ipinaglalaban nyo noon, di ko na maalala pero ang alam ko hindi kami pinayagang sumama ng mga propesor namin.

Pero gusto ko. Natatandaan kong nangangati ang paa kong maglakad kasama nyo pero di ako sumama. Hindi ko tinuloy.

Binalikan mo kami matapos ang ilang araw at nagyaya kang muli, hindi na naman kami pinayagan. Gusto ko pero nakasalalay ang grades ko sa attendance sa klase bukod pa sa mga exams. Hindi ako pwede bumagsak. Sa pagtatapos ko rin nakasalalay ang napakaraming bagay.

Hindi na kita nakita muli hanggang sa noong isang araw ay bumulagta sa newsfeed ko ang larawan mong nagyoyosi. At dahil nga pamilyar ka, dali dali kong inusisa ang profile mo. Isa ka ng propesor, speaker at manunulat. At dama ko na kung ano ang ipinaglalaban mo noon, ay iyon pa rin hanggang ngayon.

Dekada na ang lumipas. Naisip ko, kung nagpumilit akong sumama noon sa inyo at lumiban sa klase, malamang wala ako dito ngayon. Baka magkasama tayong nakikipagbaka ngayon.

Parehas naman tayong buhay na bayani ngayon eh, magkaiba nga lang ang ating pinaglalaban. Magkaiba ang adhikain at pinapatunguhan.

Ganun pa man, nagpapasalamat ako na may isang katulad mo na patuloy na nakikipagbaka. Patuloy na nakikipaglaban para sa karapatan ng bawat estudyanteng mahirap at ng mga manggagawa.

Salamat, Nante.

Sponsor


Minsang online ako sa facebook at nakipagchat ang kaibigang matagal ng hindi ko nakausap.

- Isaw kamusta ka na?

Eto inuugat na sa Dubai.

- Oo nga ang tagal mo na dyan Isaw. Siguro ang yaman mo na.

Kung di ko pinapadala yung buong sweldo ko buwan buwan talagang mayaman na siguro ako.

- Ano na ba ang trabaho mo dyan Isaw? Nasa hotel ka pa rin ba?

Oo pero di na ko waitress. Admin na ko.

- Wow big time ka na talaga. Ang laki na siguro ng sweldo mo. Magkano na sweldo mo dyan? Mga sampung libo?

Grabe ka naman. Anong tingin mo sakin, General Manager?

- Eh magkano? Mga limang libo?

Sakto lang. Ikaw kamusta? Laki na baby mo ah?

- Isaw mga limang libo ano? Kita mo na ang laki ng sweldo mo?

Nagbabayad ako ng bahay, dalawang libo upa ko dahil di ako binigyan ng pabahay eh. Namamasahe pa ko. Halos kalahati na lang natitira sakin, pagkain ko pa. Yung tira pinapadala ko saka pinambabayad ko dun sa hulugang lupang nakuha ko.

- Asenso ka na talaga.

Anong asenso dre? Mag-iisang dekada na ko dito di ako makauwi uwi. Kung asenso ako edi nasa Pinas akong katulad mo. Ikaw nga pensionado eh.

- Di na kasya yung mga pinapadala sa kin nila Auntie kasi may anak na ko eh.

Trabaho ng asawa mo?

- Wala pa eh nag-aapply pa lang.

Eh pano kayo kumakain?

- Pinagkakasya namin yung mga padala nila Auntie para kila Lola.

Dyan pa rin kayo nakatira sa Lola mo?

- Oo eh. Isaw pasensya ka na dun sa atraso ko ah.

Wala na yun, di mo naman din na mababalik diba? Sabi ko kasi sayo palpak yang paluwagan eh. Ikaw lang makulit.

- Isaw pasensya ka na ha pero wala pa kong pambalik dun sa pera mo. Nakakahiya man pero baka pwede mo naman akong isponsoran, babayaran ko din pag nakapagpadala na Auntie ko.

Isponsoran?

- Oo nagaapply kasi ako papuntang Hongkong. Kelangan ko ng pambayad sa agency.

Anong gagawin mo sa Hongkong?

- MagD-DH.

Bakit di yung asawa mo ang magtrabaho eh may anak ka.

- Eh maliit lang kita sa construction saka seasonal.

Eh bakit magD-DH ka. Bakit di ka na lang mag-waitress ulit. Balik ka dito sa Dubai? May naiwan ka pa bang mga utang dito sa bangko?

- Oo e diba yung credit card na di ko na nabayaran? Naghahabol pa rin hanggang ngayon. Na-track nga ako dito kahit papalit palit ako ng number. Saka malayo sa Dubai. Hongkong malapit lang. Saka may anak ako o dapat malapit lang.

Eh kung ayaw mo iwan yung anak mo bakit ka mag-aabroad?

- Eh basta dali na Isaw, isponsoran mo na ko barya na lang sayo yun eh.

Barya?

Text


May nagtext 9pm

- Aysa musta na?

Huuuuu akalain mo nagparamdam. Haha ok lang. Ikaw?

- Alam ko nagtatampo ka na sakin eh, ako ok lang. Ito naghahanap ng bagong work.

Nu ba yan. Tagal mo na naghahanap, pag may tumawag naman di mo naman sisiputin. Either sasabihin mong aantayin mo na lang yung promotion mo dyan sa company o kaya pinagbawalan ka ng boylet mo. Di ka pa ba napromote?

- Napromote na ako since November pero ayoko na talaga dito. Maiba tayo, kamusta ka sa bago mong work?

Ammm, hindi na bago tong work ko dude, since July last year pa to diba? Ano na namang issue mo? Umaayaw ka lang naman pag may issue ka eh. Di ka ba tinaasan? Ako ok lang. Ala ka ba fb? Sayang load natin eh.

- Ala na me time sa fb?? Sobrang busy sa work eh.

Alang time sa fb? Eh panay post mo ng mga music videos at mga quotes. Pag nagcomment ako or nagmessage di ka naman nagrereply. May time ka ayaw mo lang ako replyan.

- Hehehe Okay naman ako sa work kaso see I’m still here.

Ganun naman talaga tol diba? Hinangad mo yang promotion at alam mong ang promotion at pagtaas ng sweldo ay may kalakip na mas mabigat na responsibilidad diba? Saka alam mong napakahirap mapromote dyan pag Pinoy ka diba? Tapos ngayong tinaas ka na aayawan mo naman?

- Hahaha

Di na ko nagreply pa. Sayang load ko eh.

Ang buwan


Sabi nila libre lang daw ang mangarap kaya pwedeng dami damihan dahil hindi naman magkakaubusan.

Madalas akong nangangarap at saksi dito ang buwan at mga bituin, ganun din ang lamesa at bangko sa labas ng bahay namin.

Kapag tapos ko na ang mga gawaing bahay ay pwede na akong tumunganga at magpahangin.

Habang tinitipa ang gitara at bahagyang kumakanta kanta ay sinasana kong ako ay humusay. Sinubukan ko pero walang wala ako sa kapitbahay naming hainan mo man ng plywood at alambre ay musika pa din ang kalalabasan pag sya na ang tumipa.

Iba ang pakiramdam pag binasa mo ang Florante at Laura habang nagkikinangan ang mga bituin sa kalangitan. Para bang may mahika at para bang mapapaibig ka habang sila ay kumukutitap. Minsan naitanong ko kung ang aking magiging Florante ba ay tulad kong nakadungaw din sa kalawakan noong mga sandaling iyon?

Minsan ako’y nakatunganga lang at humahanga sa ganda ng nilikha. Iniisip ko kung sa kabilang parte ba ng buwang aking nasisilayan ay may batang tulad ko ring nangangarap.

Saksi ang buwan sa mga panahong gabing-gabi na ako nakakauwi at di pa man sya nakakapagpahinga sa pagmamatyag nya ay heto’t paluwas na naman ako ng bahay.

Minsan nagtatanong din ako kung hanggang kailan pa ba kami mag-uulam ng puro itlog at kamatis lang, pero walang dumating na kasagutan.

Ilang taon ang lumipas na ang araw at gabi para sa akin ay naging isang mahabang dalawampu’t apat na oras na lang. Halos di ko na nalaman ang pagkakaiba. Halos nakalimutan ko na din ang buwan at kalangitan, at ang aking pagtunganga.

Muli ay sinubukan kong tumanaw sa bintana at nakita ang kalangitan, ngunit sa ibang anggulo. Nakikipagtaguan na ang buwan sa mga matatayog na gusali at nangupas ang mga tala sa kinang ng mga ilaw nito.

Kumukupas din ba ang ganda ng langit? O nagbabago lamang ang ating pagtingin?

Sa iilang pagkakataong muli ay aking nasisilayan ang buwan, ako ay nagtatanong. Sa kabilang parte ba nito ay may isang batang umaawit, umiibig at nangangarap din?

***
Ang post na ito ay isang alaala na muling nagbalik sa akin ng mabasa ako ang tulang ipinaskil ni Cup kamakailan lang

Masdan Mo Ang Kapaligiran


by Asin

Masdan Mo Ang Kapaligiran

Wala ka bang napapansin?
Sa iyong mga kapaligiran,
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin.

REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim.

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman.

REFRAIN 2
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan.

REFRAIN 3
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan.

Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan.

REFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na.